Skip to: Content | Footer

  

Site Tools
Welcome to the State Controller's Office Web site
State Controller John Chiang

California Home

Mga Madalas na Tinatanong Tungkol sa Hindi Inangkin na Ari-arian

 

PANGKALAHATANG IMPORMASYON

Ano Ang Hindi Inangkin na Ari-arian?

Ang hindi inangkin na ari-arian ay pinapaliwanag ng batas na anumang pampinansiyal na pag-aari na may halaga na pinabayaang hindi aktibo ng may-ari sa tatlong taon o mahigit. Ang Batas ng Hindi Inangkin na Ari-arian sa California ay HINDI kabilang ang ari-arian na di-matinag. Ang pinakakaraniwang mga tipo ng hindi Inangkin na Ari-arian ay:

  • Mga kuwenta sa bangko at laman ng kahong panligtas sa deposito
  • Mga sapi, mutual fund, bono, at dibidendo
  • Mga hindi ipinalit na tseke ng kahero o money order
  • Mga sertipiko ng deposito
  • Mga polisa ng seguro na maaari nang kuwartahin o tinigil na seguro
  • Mga propyedad
  • Mga interes sa mineral at kabayarang royalty
  • Mga trust fund at kuwentang escrow

bumalik sa listahan ng tanong

Paano nakukuha ng Estado ang Hindi Inangkin na Ari-arian?

Iniaatas ng Batas ng California para sa Hindi Inangkin na Ari-arian sa mga korporasyon, asosasyon ng negosyo, institusyong pampinansiyal, at kompanya ng seguro (karaniwang tinatawag na mga “mayhawak”) na mag-ulat taun-taon at maghatid ng ari-arian sa Opisina ng Kontroler pagkatapos mawalan ng aktibidad ang konsumidor sa kuwenta nang mahigit sa tatlong taon. Kadalasan nakakalimutan ng may-ari na may kuwentang umiiral, o lumipat at hindi nag-iwan ng address kung saan magpapadala o ang magpapadalang utos ay lumipas na. Sa ilang mga kaso, ang may-ari ay namamatay at ang mga tagapagmana ay walang alam tungkol sa ari-arian. Lahat na mga mayhawak ng Hindi Inangkin na Ari-arian ay inaatasan ng batas na gumawa ng pagsisikap upang kontakin ang mga may-ari bago iulat ang ari-arian sa Estado.

bumalik sa listahan ng tanong

Bakit may Batas para sa Hindi Inangkin na Ari-arian ang California?

Ang batas sa Hindi Inangkin na Ari-arian ay ipinasa upang mahadlangan ang mga may hawak ng Hindi Inangkin na Ari-arian sa paggamit ng inyong pera at paglagay sa mga ito sa kanilang kita sa negosyo. Ang batas na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa Estado na isauli ang iyong pera at nagkakaloob sa mga mamamayan ng California ng isang pagkukuhanan, ang Opisina ng Kontroler ng Estado, upang matingnan ang Hindi Inangkin na Ari-arian na maaaring iniulat ng mga may hawak mula sa buong bansa.

bumalik sa listahan ng tanong

Ano ang mga pagsisikap na ginagawa upang hanapin ang mga may-ari?


  • Ang lahat na mga institusyong pangnegosyo at pampinansiyal ay kinakailangang magpadala ng paunawa sa pinakahuling address ng may-ari upang sabihan ang may-ari na ang kuwenta ay maililipat sa Kontroler ng Estado para maitago nang ligtas kung hindi sasabihan ng may-ari ang institusyon ng intensiyon upang panatilihin ang kuwenta.
  • Ang Opisina ng Kontroler ng Estado ay maaaring magpadala ng mga paunawa taun-taon sa mga may-ari ng mga kuwenta na iniulat na may numero ng Social Security at kung saan ang huling address na nakuha sa Franchise Tax Board.
  • Ang Opisina ng Kontroler ng Estado ay naglalathala ng paunawa sa mga may-ari ng hindi inangkin na ari-arian sa mga diyaryo na may pangkalahatang sirkulasyon sa bawat county taun-taon.
  • Ang web site na ito ay nagkakaloob ng database na nagpapahintulot sa mga posibleng may-ari o tagapagmana upang magsagawa ng oaghahanap ng ari-arian sa kanilang pangalan o ng isang kamang-anak.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ko malalaman kung ako ay may Hindi Inangkin na Ari-arian?

Sa web site na ito, gamitin ang pag-uugnay n paghahanap ng ari-arian, sundan ang mga direksiyon, at ibigay ang lahat na hinihiling na impormasyon. Maaari rin kayong tumawag o sumulat sa aming opisina. Kailangan ninyong ibigay ang pangalan ng may-ari o ang pangalan ng negosyo ng may-ari, lahat ng dati at kasalukuyang address sa California, at numero ng Social Security o numero ng pagkakakilanlan sa buwis. Ang posibleng pagiging pagmamay-ari ay maaaring nasabi kung may isang katumbas na mahanap sa pamamagitan ng impormasyong inyong ibinigay.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano umuubra ang proseso ng pag-angkin?

Ang pormas ng pag-angkin mula sa aming Web site ay may kasamang mga instruksiyon. Ang mga instruksiyon sa paghaharap ay naglilista ng mga dokumentasyon na kailangan ninyong ibigay kung inihaharap ninyo ang inyong pag-angkin. Lahat ng tipo ng pag-angkin ay may pangkaraniwang kinakailangang impormasyon, kagaya ng:

  • Kopya ng kasalukuyang pagkakakilanlan na may retrato para sa bawat umaangkin;
  • Kopya ng kard sa Social Security o numero ng pagkakakilanlan sa buwis para sa bawat umaaangkin;
  • Beripikasyon ng nireport na address kung iba sa kasalukuyang address; at
  • Ispesipikong dokumentasyon na may kaugnay sa tipo ng ari-arian, kagaya ng orihinal na passbook, tseke ng kahero, o sertipiko ng sapi.

Kung matatanggap ng aming opisina ang iyong nakumpletong pormas ng pag-angkin, rerepasuhin namin ito nang mabuti. Kung ang ebidensiya ay hindi sapat upang mapatunayan na ikaw ang nagmaymay-ari, kokontakin kayo ng aming opisina o ibabalik ang lahat na mga dokumentong isinumite, na may kasamang sulat na nagsasaad kung bakit hindi kumpleto ang pag-angkin. Ang aming opisina ay inaatasan ng batas na gumawa ng pagpapasiya ng bayad ng lahat na mga pag-angkin sa loob ng 180 araw mula sa petsang natanggap ang pakete na kasama ang lahat ng mga pansuportang dokumento.

bumalik sa listahan ng tanong

Mayroon bang bayad para sa pagpoproseso ng aking kuwenta sa pamamagitan ng Opisina ng Kontroler sa Estado?

Wala. Maaaring kunin ng mga may-ari o tagapagmana ang kanilang ari-arian nang direkta mula sa Kontroler ng Estado na walang singil o bayad sa serbisyo. Gayunman, kung kayo ay kinakatawan ng tagahanap ng tagapagmana (na kinikilala ring imbestigador o tagahanap ng ari-arian), maaari kang singilin ng bayad na hindi lalampas sa 10 porsiyento ng halaga ng ari-arian, alinsunod sa Seksiyon 1582 ng Batas ng Hindi Inangkin na Ari-arian ng California.

bumalik sa listahan ng tanong

Ano ang mga tagahanap ng tagapagmana?

Ang mga tagahanap ng mga tagapagmana o mga pinaghahanap ng mga ari-arian ay mga indibidwal o kompanya na nagsisikap na mapag-ugnay ang malinaw na may-ari o tagapagmana sa kanilang ari-arian na may bayad.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ko mahahadlangang mapunta ang aking ari-arian sa Estado?


  • Magtago ng wastung-wasto at kasalakukuyang mga rekord ng mga kuwenta sa bangko, polisa ng seguro, mga sertipiko sa sapi, mga desposito ng kagamitan at renta, at mga lokasyon ng kahong panligtas ng deposito.
  • Siguruhin na mabayaran ninyo ang taunang bayad ng renta ng inyong kahong panligtas sa deposito.
  • Panatiliing aktibo ang inyong kuwenta sa pamamagitan ng kontak na inumpisahan ng konsumidor sa mga may hawak ng inyong ari-arian sa sulat, telepono, o personal.
  • Kuwartahin ang inyong mga dibidendo, suweldo, mga isinauling pera, at mga kabayaran sa seguro.
  • Sabihin sa miyembro ng inyong pamilya o pinagkakatiwalaang tagapayo ang lokasyon ng inyong mga rekord.
  • Maghanda ng isang listahan ng mga aytem sa itaas na gagamitin para sa pagbibigay-alam sa mga partidong dapat makaalam sa inyong pagbabago ng address.

bumalik sa listahan ng tanong

Ano ang numero ng pagkakakilanlan ng ari-arian?

Bawat kuwenta ng Hindi Inangkin na Ari-arian ay may numero ng pagkakakilanlan na itinalaga ang aming opisina sa oras na inilagay ang kuwenta sa aming database. Ang numero ng pagkakakilanlan ng ari-arian ay nakalagay sa kanang itaas ng pormas ng pag-angkin. Ang numerong ito ay importante, dahil kailangan ninyo ito kapag kinokontak ninyo kami tungkol sa inyong pag-angkin. Nirerekomenda ng aming opisina na itago ng bawat umaangkin ang numero hanggang ang pag-angkin ay tapos nang maproseso.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ako maaaring maghanap ng Hindi Inangkin na Ari-arian na pinanghahawakan ng ibang mga estado?

Kayo ay maaaring magsagawa ng paghahanap para sa Hindi Inangkin na Ari-arian na pinanghahawakan ng ibang estado sa pamamagitan Web site ng Pambansang Asosasyon ng mga Administrador ng Hindi Inangkin na Ari-arian.

bumalik sa listahan ng tanong

PAG-ANGKIN NG HINDI INANGKIN NA ARI-ARIAN

May limitasyon ba sa panahon para angkinin ang aking ari-arian?

Wala, walang limitasyon para sa pagsasampa ng isang pag-angkin. Ang kuwenta ng hindi inangkin na ari-arian ay hinahawakan nang panghabang-buhay para sa may-ari, o sa mga tagapagmana ng may-ari, hanggang ang pag-angkin ay natanggap at nabayaran.

bumalik sa listahan ng tanong

Saan ko ipapadala ang aking pag-angkin?

Ipakoreo ang kinumpletong pormas ng pag-angkin at mga dokumento sa sumusunod na address:

Unclaimed Property Division
P.O. Box 942850
Sacramento, CA 94250-5873

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ko malalaman kung natanggap ninyo ang aking pag-angkin?

Kung ang inyong pag-angkin ay natanggap sa aming opisina, kayo ay papadalhan ng “resibo sa pag-angkin na sulat” na nagpapakita sa petsa na natanggap ang pag-angkin.

bumalik sa listahan ng tanong

Gaano katagal para maproseso ang aking pag-angkin?

Ang bawat umaangkin ay dapat magbigay ng dokumentasyon na nagpapatibay sa impormasyon na iniulat ng may hawak (halimbawa, numero ng Social Security at/o address) upang maproseso at mabayaran ang pang-angkin. Ang mga simpleng pag-angkin ng pera ay maaaring maproseso sa loob ng 30 hanggang 60 araw. Ang mga ibang pag-angkin na may kinalaman sa mga ari-ariang pananalapi ay karaniwang naproproseso sa loob ng 180 araw. Gayunman, kinakailangan ang karagdagang panahon para maproseso ang mga pag-angkin na seguridad dahil dapat repasuhin ng dibisyon ang anumang mga pagsasama ng korporasyon, pagkakamit, dibidendo, at iba pang mga aksiyon ng korporasyon na nakakaapekto sa halaga ng pag-angkin. Mangyaring maghintay ng karagdagang 90 hanggang 180 araw upang makumpleto ang pagbibigay ng halaga na ito.

bumalik sa listahan ng tanong

Mababayaran ba ako ng tubo sa ari-arian para sa panahon na hinawakan ng Kontroler ang ari-arian?

Ang Assembly Bill 1756 ay naisabatas noong Agosto 11, 2003 at inalis nito ang pagbabayad ng tubo sa mga paghabol ng hindi inangkin na ari-arian. Mangyaring sumangguni sa Batas at Mga Regulasyon ng Hindi Inangkin na Ari-arian (Setyembre 2003), Seksiyon CCP 1540(c).

bumalik sa listahan ng tanong

Ano ang mga institusyon na pinamamahalaan ng Batas ng Hindi Inangkin na Ari-arian?

Ang mga institusyong pinamamahalaan ng Batas ng Hindi Inangkin na Ari-arian ay mga bangko, mga asosasyon ng ipon at utang, unyon ng kredito, kompanya ng seguro, kagamitan, asosasyon ng negosyo, at iba pang mga organisasyon o taong nagtataglay ng ari-arian na isinasailalim ng batas.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ko hahanapin ang aking mga kuwenta kung sasabihin ng negosyo o institusyong pampinansiyal na sila ay wala nang rekord ng kuwenta?


  • Hanapin ang anumang mga ulat o orihinal na dokumento na tinatanong at iprisinta ang mga ito sa institusyong pangnegosyo o pampinansiyal para masaliksik.
  • Kung igiit ng institusyon na hindi nito mahanap ang rekord ng inyong kuwenta, tawagan ang aming libreng-linyang numero sa Estados Unidos, (800) 992-4647, at hilingin na ang inyong pangalan ay sasaliksikin. Ang numero para sa mga tumatawag sa labas ng bansa ay (916) 323-2827. Maaari rin kayong magpadala ng e-mail sakontakin ang UCP. Ang aming rekord ay binabago araw-araw at, kung ang inyong pangalan ay hindi lumilitaw, mangyaring tawagan kami pana-panahon.

Bilang karagdagan, ang Web site na ito ay nagkakaloob ng database upang kayo ay makapagsagawa ngpaghahanap ng ari-arian online. Ang site na ito ay binabago linggu-linggo.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ko makukuha ang aking pera kung mayroon akong tseke ng kahero na lampas na ang petsa, isang money order, o anumang hindi kinuwartang tseke na hindi tinanggap ng bangko?


  • Kontakin ang aming opisina upang mapadalhan kayo sa koreo ng isang pormas ng pag-angkin na ginagawang manwal. Ang libreng-linyang numero sa mga tumatawag so loob ng Estados Unidos ay (800) 992-4647. Ang numero para sa mga tumatawag sa labas ng bansa ay (916) 323-2827. Maaari rin kayong magpadala ng e-mail sa kontakin ang UCP.
  • Dapat kumpletuhin ninyo ang pormas ng pag-angkin, magbigay ng katunayan ng pagkakakilanlan, maglakip ng orihinal na hindi pa kinuwartang tseke, at ipadala ang inyong pag-angkin sa pamamagitan ng sinertipikahang sulat sa address na nakalista sa pormas. Kung walang orihinal na hindi pa kinuwartang tseke, ang karagdagang dokumentasyon ay kinakailangan upang beripikahin ang mga pag-angkin para sa mga instrumentong maaring maililipat ang pagkamay-ari. Kayo ay kakailanganing magbigay ng iba pang makukuhang dokumentasyon kasama ang pormas na Deklarasyon ng Pagkawala. Mangyaring kontakin ang Dibisyon ng Hindi Inangkin na Ari-arian sa pamamagitan ng telepono sa (916) 323-2827 para sa mga karagdagang instruksiyon.
  • Mag-iwan ng mga kopya para sa inyong mga rekord.

bumalik sa listahan ng tanong

Ano ang mangyayari sa mga laman ng aking kahong panligtas ng deposito kung hindi ko mababayaran ang mga taunang bayad ng kahong panligtas ng deposito?

Ang mga nilalaman ng inyong kahong panligtas sa deposito ay ililipat sa Kontroler ng Estado pagkatapos ng tatlong taon, at lahat na aytem na may halagang pera ay ipagbebenta sa subastahan. Ang mga kita mula sa pinagbentahan ay mailalagay sa kuwentang nakapangalan sa inyo, ibabawas ang anumang lien ng bangko, at mababayaran kung kayo o ang inyong mga tagapagmana ay magsumite ng pag-angkin.

bumalik sa listahan ng tanong

Ano ang mangyayari sa aking mga kuwentang puhunan (halimbawa, mga sapi, bono, mutual funds) kung hindi ko mapapanatili ang kontak sa aking broker o ang kompanya kung saan nakapuhunan ang aking mga pondo?

Ang inyong mga kuwentang puhunan ay maililipat sa Opisina ng Kontroler sa Estado, na inaatasan ng batas na magbenta ng mga seguridad sa loob ng dalawang taon ng pagkatanggap. Ang mga kita mula sa mga pinagbentahan ay ilalagay sa kuwentang nakapangalan sa inyo hanggang sa dumating ang panahon na kayo o ang inyong mga tagapagmana ay magsumite ng balidong pag-angkin.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ang pagbayad ng mga kuwentang sapi?

Ang Batas ng Hindi Inangkin na Ari-arian sa California (Seksiyon 1563) ay inaatasan ang Kontroler ng Estado na magbenta ng mga seguridad sa loob ng dalawang taon ng pagkapadala sa aming opisina. Kung ang mga seguridad ng mga umaangkin ay nabenta na, ang umaangkin ay makatatanggap ng halaga sa merkado sa panahon ng pagbenta. Kung ang mga seguridad ng umaangkin ay sertipikong pormas, makatatanggap ang umaangkin ng mga sertipiko at anumang kinitang mga dibidendo.

bumalik sa listahan ng tanong

Bakit mas natatagalan ang pagtanggap ng bayad sa inaangking mga seguridad?

Ang mga pag-angkin ng seguridad ay mas matagal na iproseso para bayaran dahil ang mga ito ay lalong komplikado kaysa mga pag-angkin na kuwarta.

Ang estado ay obligadong magbayad sa may-ari o tagapagmana ng kasalukuyang halaga ng seguridad o ng presyo kung magkano naibenta ang mga seguridad. Ang aming opisina ay may awtorisasyon upang magbenta ng mga seguridad pagkatapos hawakan ang mga ito sa isang taon. Bukod sa mga sertipiko sa sapi o ang mga kinita sa pagbenta, ang may-ari o tagapagmana ay mabebenepisyuhan din mula sa anumang mga aksiyon na isinagawa ng nag-iisyung kompanya habang hinahawakan ng Estado ang saping-puhunan, kagaya ng mga dibidendo, pagsasama, paghihiwalay, at pagpapanibago. Samakatuwid, ang mga pag-angkin ng seguridad ay nangangailangan nang malawak na pananaliksik at mga kalkulasyon na hindi kinakailangan para sa mga pag-angkin ng pera.

Pinakahuli, kung may kasamang mga sertipikong saping-puhunan ang isang pag-angkin, ang mga sertipiko ay dapat ipadala sa isang ahenteng maglilipat, na responsable para sa pag-iisyu ng mga bagong sertipiko. Ang mga ahenteng maglilipat ay mga pribadong kompanya na hindi kaanib ng Opisina ng Kontroler sa Estado.

bumalik sa listahan ng tanong

Paano ko maaangkin muli ang aking ari-arian kapag ito ay naiulat na sa Kontroler ng Estado?


  • Upang maangkin muli ang inyong ari-arian, kayo ay dapat magharap ng pag-angkin sa Opisina ng Kontroler sa Estado. Para sa bawat pag-angkin, kinakailangan ang kopya ng inyong kard ng Social Security at pagkakakilanlan na may retrato. Para sa mga pag-angkin na may kinalaman sa mga orihinal na instrumento (i.e. passbook, sertipiko ng sapi, money order, tseke ng kahero). Dapat isumite ang instrumento kasama ang inyong pag-angkin.
  • Maaaring kailangan kayong magsumite ng ebidensiya ng pagmamay-ari, kagaya ng sertipiko ng kapanganakan, isangTalaan ng Pagigjng Tagapagmana (a Table of Heirship), o iba pang mga dokumento upang patunayan ang inyong pagmamay-ari.
  • Ipadala ang lahat na mga dokumento sa sumusunod na address:

Unclaimed Property Division
P.O. Box 942850
Sacramento, CA 94250-5873

bumalik sa listahan ng tanong

Maaari bang elektronikong maililipat ang aking mga pondo sa aking kasalukuyang kuwenta sa bangko?

Hindi, hindi maililipat ng Opisina ng Kontroler sa Estado ang mga pondong galing sa hindi inangkin na mga ari-arian sa inyong kasalukuyang kuwenta sa bangko.

bumalik sa listahan ng tanong

Maaari ko bang angkinin ang lahat ng mga pondo sa isang kuwenta na may kasamang ibang may-ari?

Kung kayo ay magharap ng pag-angkin na may kasamang ibang may-ari, ang pagbayad ng pag-angkin ay batay kung paano naitatag noong umpisa ang pagmamay-ari ng ari-arian.

  • Kung ang mga may-ari ay nakalistang magkasamang umuupa, bawat may-ari ay may karapatan sa kalahati ng ari-arian o maaaring angkinin ng parehong may-ari ang buong ari-arian na magkasama. Kung isa sa mga may-ari ay namatay, ang ibang may-ari ay may karapatan sa buong ari-arian.
  • Kung ang mga may-ari ay nakalistang may-ari/may hawak, bawat may-ari ay may karapatan sa kalahati ng ari-arian o maaaring angkinin ng parehong may-ari ang buong ari-arian na magkasama. Kung isa sa mga may-ari ay namatay, ang ibang may-ari ay may karapatan sa buong ari-arian.
  • Kung ang ari-arian ay nakalistang “at/o,” babayaran namin ang buong halaga ng ari-arian sa sinuman na magharap ng pag-angkin.

bumalik sa listahan ng tanong

Kung nais kong magsampa ng petisyon sa ilalim ng California Code of Civil Procedure §1355 o maghatid ng ibang legal na dokumento, sino ang maaari kong tawagan?

Ang mga petisyon, paunawa ng pagdinig at paghatid ng iba pang mga dokumento ay dapat ipadala sa:

State Controller's Office
Legal Division
300 Capitol Mall, Suite 1850
Sacramento, CA 95814
(916) 445-3028

bumalik sa listahan ng tanong

Kung nagpalit ako ng pangalan, anong klaseng mga dokumento ang maaaring tatanggapin na katunayan upang angkinin ang ari-ariang nasa pangalan ko dati?

Kailangan ninyong patunayan na kayo ang taong nakapangalan sa kuwenta. Ang mga sumusunod na halimbawa ng dokumento ay maaaring gamitin upang patunayan ang inyong dating pangalan:

  • Sertipiko ng Pagpapakasal
  • Atas ng Diborsiyo
  • Dokumento ng korte na nagpapakita ng pagpalit ng pangalan
  • Mga dokumento ng pagiging mamamayan
  • Mga papeles ng pag-ampon
  • Binagong sertipiko ng kapanganakan
  • Kard sa Social Security
  • Lisensiya sa pagmamaneho
  • Pasaporte

bumalik sa listahan ng tanong