Skip to: Content | Footer

  

Site Tools
Welcome to the State Controller's Office Web site
State Controller John Chiang

California Home

Dibisyon ng Hindi Inangkin na Ari-arian – Pangunahing Pahina

 

Paghahanap ng Ari-arian

Maligayang Bati mula sa Web site ng Opisina ng Kontroler ng Estado para sa Programang Hindi Inangkin na Ari-arian (Unclaimed Property, UCP)

Kapwa mga taga-California:

Sa loob ng dalawang dekada, binawalan ng mga hindi mabuting batas ng Estado ang aking opisina na sumangguni sa mga may-ari ng katumbas sa mahigit na 80 porsiyento ng lahat na mga kuwenta ng hindi inangkin na ari-arian na ipinadala sa Estado. Noong Agosto, ang kagawiang ito ay nagwakas nang ipinasa ng Lehislatura at pinirmahan ng Gobernador ang aking mga pagbabago na nag-alis sa mga batas, hadlang at red tape upang maangkin muli ng mga taga-California ang kanilang ari-arian.

Noong Oktubre 18, inalis ng isang pampederal na korte sa Sacramento ang isang utos dahil sa mga pagbabagong nagbibigay para sa Opisina ng Kontroler na maipagbigay-alam sa mga may ari sa sapat na panahon upang, maliban kung angkinin, ang mga nawalang ari-arian ay ililipat sa Estado para itago nang mabuti.

Sa loob ng unang linggo na nakapabigay ng paunawa sa mga may-ari ng kanilang mga mahalagang kagamitan na itinatago ng Estado, nakapagpadala kami ng mga paunawa sa 99,086 na mga taga-California na hinihimok sila upang kunin ang kanilang mga ari-arian. Kung wala ang mga bagong batas na mga ito, hindi sana namin naipadala ang 77,078 na mga sulat na ito.

Bukod dito, ang aming mga pagsisikap na pagbabago ay nakapagpatayo uli ng yunit na agresibong maghanap at magsubaybay sa mga may-ari ng ari-arian sa pagtangkang matagpuan uli nila ang kanilang nararapat na pag-aari. Sa unang apat na linggo mula noong ipinatupad ang aming mga pagbabago, mahigit na 3,100 na may-ari ng mga nawala, nakalimutan o pinabayaang ari-arian ay maisasauli na hindi sana nangyari kung wala ang matagal nang kailangang mga batas na pagbabago.

Ako ay natutuwa na ang aming mga pagbabago ay parehong ikinalugod ng korte, at dinagdagan ng mga pagbabagong administratibo na may sentido komon, nagpakita ng pagsulong sa pagtatagpo muli ng mga may karapatang may-ari sa kanilang hindi inangking ari-arian.

Nais kong malaman ng mga taga-California na inuuna ko sila, at may marami pang trabahong gagawin. Ipagpapatuloy ko ang aking trabaho upang masiguro na ang Estado ay kumikilos nang mabilis upang maisauli ang kanilang mga ari-arian sa kanilang mga kamay kung saan karapat-dapat na mapunta. Inisponsoran ko rin ang isang komprehensibong batas na pagbabago (SB 919 ni Senador Mike Machado) upang ibalik ang mga tubong ibinayad sa mga inangkin at magpataw ng mga mahigpit na multa sa mga bangko, kompanya ng mga kagamitan at iba pang mga negosyo na hindi sumunod sa batas at magsabi sa kanilang mga konsumidor ng kanilang mga hindi inangking ari-arian na kanilang itinatago.

May mga karagdagang pagbabago na binabalak kong itataguyod. Kabilang sa mga pagbabagong ito, sinisikap kong bawasan ang oras na kailangang repasuhin at gawan ng pagpapasiya ng mga pag-angkin sa mga ari-arian ng kalahati. Inaatas ng kasalukuyang batas na karamihan sa mga nawala o pinabayaang ari-arian na ilipat sa Estado pagkatapos ng tatlong taon na walang aktibidad. Nais kong pahabain ang inilaang panahon na ito upang mabigyan ang mga may-ari ng mas mahabang panahon na maipagbigyang-alam sa may hawak ng kanilang kuwenta ang kanilang intensiyon na mapanatili ang kanilang mga kuwenta, habang binabalanse pa rin nila ang epekto ng bayad sa may hawak na maaaring magpababa sa mga halaga ng kuwenta. Nais kong protektahan ang mga may-ari ng mga kahong panligtas sa deposito sa pamamagitan ng paghadlang sa mga institusyong pampinansiyal na ipadala sa Estado kung ang may-ari ay may iba pang mga aktibong kuwenta.

Ako ay naniniwala na ang mga batas na ito ay lubos na magpapabuti ng batas sa mga hindi inangkin na ari-arian at ibalik ang kompiyansa ng publiko na ang kanilang nawalang ari-arian ay aalagaan nang mabuti ng Estado hanggang maangkin ng mga taga-California ang kanilang nararapat na pag-aaari.

Sumasainyo,

Susi at Tanda ng Dolyar

JOHN CHIANG

Kontroler sa Estado ng California

 
 

Para sa mga kaluwagan para sa ADA na mga alternatibong pormat, mangyaring ilagay ang mas gustong pormat para sa impormasyon ng Dibisyon ng Hindi Inangkin na Ari-arian sa 1-800-992-4647.